MANILA, Philippines – Inaasahang lilipat ng team ang Filipino basketball star na si Kai Sotto sa Japan.
Ayon sa source na may kinalaman sa B-League, malapit ng maplantsa ang kontrata ng 22-taong-gulang, 2.18-meter big man sa Koshigaya Alphas.
Si Sotto ay matagal nang itinuturing na pinakamalaking prospect sa bansang Pilipinas na mahilig sa basketball.
Naglaro si Sotto ng 34 na games sa B League noong nakaraang season, na may average na 12.8 puntos, 6.4 rebounds, at 1.1 blocked shot para sa Yokohama B-Corsairs.
Sa kanyang pinakamahusay na laro ng season, umiskor si Sotto ng 28 puntos sa 12 of 15 shooting at humakot ng 6 rebounds laban sa semifinalists na Alvark Tokyo.
Mula Pebrero hanggang Abril, nagkaroon siya ng 16-game stretch kung saan nag-average siya ng 17.0 points at 7.8 rebounds kada laro.
Naglaro ang Koshigaya sa B2 League noong nakaraang season ngunit nakapasok sa finals at na-promote sa nangungunang Japanese division.
Naghahanda na rin si Sotto para tulungan ang Pilipinas na maging kwalipikado sa Paris Olympic Games.
Mula Hulyo 2 hanggang 7, sasabak ang Gilas Pilipinas sa isang qualification tournament sa Riga, kung saan makakalaban nila ang Latvia, Georgia, Brazil, Cameroon, at Montenegro.JC