Home ENTERTAINMENT KAIA, PHP, iba pang P-pop groups tampok sa Fête de la Musique...

KAIA, PHP, iba pang P-pop groups tampok sa Fête de la Musique in the Philippines

MANILA, Philippines – Magsasama-sama ang iba’t ibang P-pop groups sa inaabangang Fête de la Musique in the Philippines!

Ito ay gaganapin sa Biyernes, June 28, 2024, 5PM sa One Ayala, Makati.

Tampok sa P-pop stage ng naturang music festival ang mga sikat na P-pop groups katulad ng KAIA, 1STONE, Press Hit Play, DIONE, CALISTA at BILIB.

Makakasama 6ENSE, SMS, ZELA, 1621BC, BPOP IDOLS at si Charleen Ong.

Free Admission ang Fête de la Musique in the Philippines o kilala bilang World Music Day na isang taunang music festivity na nagsimula sa France noong 1982 at ipinagdiriwang sa mahigit 700 lungsod at 120 bansa. RNT/JGC