Home ENTERTAINMENT Ruru at Bianca, no to live-in!

Ruru at Bianca, no to live-in!

Manila, Philippines- Sa panayam ng Fast Talk with Boy Abunda kina Ruru Madrid at Bianca Umali, sinabi ng huli na hindi nila iniisip ng una na mag-live in o magsama sa isang bahay kahit pa ilang taon na silang magkarelasyon.

Ayon kay Bianca, iginagalang at nirerespeto nila ang kautusan ng kinabibilangan nilang relihiyon, ang Iglesia Ni Cristo, na mas gusto nilang magsama sa isang bubong kapag ikinasal na sila at may basbas na ng kanilang simbahan.

“Pero sa ngayon, especially that we are in our religion as well, it’s not tolerated to live inside one roof nang hindi kayo kasal. And we honor that,” sabi ni Bianca.

Naniniwala rin ang dalaga na darating ang tamang panahon para sa kasal nila ni Ruru at looking forward na rin siya sa pagbuo ng sariling pamilya.

“Ako rin po, alam ko na I am reserving myself for that person who I know will love me forever. Alam kong si Ruru ‘yun. Alam kong darating kami roon,” sey pa ni Bianca.

Sabi ng Kapuso actress, until now ay hindi pa rin sila makapaniwala ni Ruru na nalagpasan nila ang lahat ng pagsubok na hinarap nila sa kanilang relasyon.

“It has been one heck of a ride, honestly. There’s no specific words that could really describe, pero it’s a journey that, we actually also are surprised that we have been surviving and we are still enjoying it together,” pagbabahagi pa ni Bianca.

“We have that conversation palagi, especially now na alam namin na papalapit na ang anniversary namin,” aniya pa.

Sabi naman ni Ruru, naniniwala siyang may dahilan kung bakit kailangan nilang pagdaanan ang mga naturang pagsubok.

“Minsan napapaisip ka, noong una ang daming pinagdaanan na mga pagsubok. Ngayon kahit ano po ang mga nangyayari sa amin, doon mari-realize na lahat may dahilan.

“Kung bakit kailangan nating pagdaanan ang mga unos na ‘yon kasi ito pala ang kapalit noon, kung ano ‘yung mga tinatamasa namin ngayon,” pahayag ng lead star sa Kapuso action-drama series na Black Rider.

Kuwento naman ni Bianca, “Every year meron kami talagang pagsubok na pagdadaanan. So far wala kaming mapipili kung ano ‘yung toughest, because almost every challenge that goes through the relationship is always the hardest.”

Pagpapatuloy ni Bianca, “We are also very open to sharing our stories kasi that’s the reality of every relationship.

“Walang relasyon ang perpekto, and we are proud of all the imperfections that we have gone through because alam namin ni Ruru ang tinahak naming dalawa para maging ganito kami ka-strong ngayon.” Archie Liao