Home NATIONWIDE Kalagayan ng mga OFW sa MidEast, tinatalakay sa Kamara

Kalagayan ng mga OFW sa MidEast, tinatalakay sa Kamara

174
0

MANILA, Philippines – Bilang pagtugon sa lumalalang tensyon sa Gitnang Silangan kung saan apektado ang maraming mga overseas Filipino workers (OFW) ay kasalukuyang nagpupulong ngayon ang House Committee on Overseas Workers Affairs at ang Committee on Foreign Relations para sa isang briefing.

Sa kaniyang opening statement, kinilala ni Agimat Partylist Rep. Bryan Revilla, chairman ng overseas workers affairs committee na seryoso ngayon ang kalagayan ng mga OFW sa Middle East na dapat tugunan ng malawak at konkretong pagtugon ng pamahalaan.

“At this crucial junction, there is grave responsibility, because right now, thousands of our fellow Filipinos are suffering. In every armed conflict, the powerful may claim victory or righteousness, but history teaches us a harsher truth: war does not determine who is right, only who is left,” ani Revilla.

Sa panganib aniyang kinakaharap ngayon ng milyong Pilipino sa Gitnang Silangan ay marapat lamang na dumaloy at maramdamang ng mga OFW ang pagtuturing sa kanila bilang bagong bayani.

“Sa ganitong mga pagkakataon, libo-libo sa ating mga kababayan ang tila nakatayo sa gilid ng bangin… habang umaasa at humihiling ng milagro sa langit.  Ngunit sa mga sandaling ito, hindi sapat ang milagro kundi mabilis, malinaw, at konkretong aksyon mula sa pamahalaan.

Matagal na nating itinuturing na bayani ang ating mga OFW – mga natatanging Pilipinong naghahanap-buhay sa ibang bansa para sa kinabukasan ng kanilang pamilya at pag-unlad ng ating ekonomiya.”

Dagdag pa ng mambabatas na sa gitna ng labanan ay laging naiipit dito ang mga mahihina t ordinaryong tao na ang layunin lamang ay makapamuhay ng payapa at matiwasay.

“Ngayon, sila naman ang nangangailangan ng tulong.  Caught in the midst of artillery crossfire and drone warfare, it is our heroes now who need rescuing.  When giants fight, it is the grass that suffers. Sa bawat alitan ng mga makapangyarihang bansa, ang unang nagdurusa ay mga ordinaryong tao na tahimik lamang na nagsisikap at namumuhay. Bagamat hindi sila ang nagsimula ng gulo, kung hindi tayo kikilos, sila ang aani sa masasamang bunga ng digmaang ito.”

Inungkat din ni Revilla kung ano ang mga dapat na ilatag at aksyon upang matulungan ang mga OFW na nasa gitna ng tensyon.

“Dear colleagues, it is precisely for this reason that we are meeting this crisis head-on today.” Kailangan natin ng malinaw na kasagutan sa mga mahalagang tanong:  Ano ang tunay na aksyon? Ano ang konkretong plano? Ano ang agarang tulong na iaabot natin para sa  mga kababayan natin sa Gitnang Silangan?”

Sa gitna nito ay nanawagan si Revilla na hindi ito ang tamang panahon upang magsisihan at magkawatak-watak kungdi dapat umiral aniya dito ang pagtutulungan at pagkakaisa.

“Ladies and gentlemen, a crisis is not a time for blame; it is not a time to be divisive. It is a time for us to help each other; it is a time for decisive action.  Ito ay oras ng pagkilos. Oras upang tiyakin na ang kaligtasan ng ating mga OFW ay hindi lamang pangako, kundi prayoridad na agad nating aaksyunan.  While we are not here to point fingers, one thing is abundantly clear: our duty to our OFWs is not only paramount, it is urgent, immediate, and non-negotiable. It is a responsibility that must transcend politics, bureaucracy, or convenience.”

Sa huli ay nagbigay ng katiyakan si Revilla sa mga OFW maging sa mga kaanak ng mga ito na aalalayan sila sa panahon ng krisis.

“Mga kababayan, mga mahal naming bayaning OFW, makakaasa kayo na hindi namin kayo iiwan. Hindi namin kayo pababayaan. At sisikapin naming tiyakin na sa bawat Pilipinong nakikipagsapalaran sa ibayong bansa, may isang bayan na handang kumilos upang matiyak na ang bawat pag-lisan ay may katumbas na isang ligtas na pag-uwi.”

Kabilang sa mga dumadalo ngayon sa briefing kaugnay ng sitwasyon sa Gitnang Silangan ay ang mga kinatawan at opisyal mula sa Department of Foreign Affairs, Department of Migrant Workers, Overseas Workers Welfare Administration at Department of National Defense. (Meliza Maluntag)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here