
MANILA, Philippines – Dinagsa ng mga bisita at turista ang Jones Bridge sa Maynila sa pagsalubong ng Chinese New Year – ang Year of the Wooden Snake nitong Enero 29.
Hapon nitong Martes, Enero 28 ay dumagsa na ang humigit-kumulang kalahating milyong bisita na gustong makapanood ng pyro musical display at drone show sa Jones bridge na kinagiliwan ng mga nag-abang at naghintay.
Sa drone show, ipinakita ang ilang mga mahahalaang mensahe para sa magandang relasyon ng mga Filipino at Chinese tulad ng katagang “Dugong Tsino, Pusong Pinoy, Friendship beyond 50, We are Together.
