MANILA, Philippines – Hindi pa rin bumabalik sa normal na lebel ang kalidad ng hangin sa Metro Manila, dalawang linggo matapos magsimula ang sunog sa landfill sa Navotas, ayon sa Philippine Space Agency (PhilSA).
Tinukoy ng PhilSA ang datos ng Bureau of Fire Protection (BFP) na nagpapakita ng “smoldering conditions” hanggang nitong Huwebes, Abril 23.
Nananatili ring mataas ang konsentrasyon ng nitrogen dioxide sa Metro Manila.
Ang nitrogen dioxide ay isang pollutant na nabubuo sa sunog at isa sa component ng usok.
Ayon sa US Environmental Protection Agency, ang pagkakalanghap ng hangin na may mataas na konsentrasyon ng nitrogen dioxide ay maaaring magdulot ng iritasyon sa daluyan ng hangin sa respiratory system. RNT/JGC