Home NATIONWIDE Mahigpit na batas vs drunk driving, isusulong ni Aquino

Mahigpit na batas vs drunk driving, isusulong ni Aquino

90
0

MANILA, Philippines – Nagsumite si Senador Bam Aquino ng isang panukalang batas na naglalayong palakasin at tugunan ang mga kakulangan sa umiiral na batas laban sa pagmamaneho ng lasing o nasa impluwensya ng droga, upang maprotektahan ang mga kabataang Pilipino na kabilang sa pinaka-nanganganib sa mga aksidente sa kalsada.

Layunin ng Senate Bill No. 2068 ni Aquino na amyendahan ang Republic Act No. 10586, o ang Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013 upang makasabay sa kasalukuyang sitwasyon sa mga kalsada sa bansa, lalo na’t ipinapakita ng datos na ang mga aksidente sa kalsada ay isa sa pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga kabataang Pilipino.

Batay sa ulat ng pamahalaan, tumaas ng 255.8 porsyento ang mga kaso ng drunk driving kumpara noong nakaraang taon.

“What was intended to be a strong deterrent has not kept pace with the realities on our roads. Too many families continue to lose loved ones. Too many drivers still take the risk of getting behind the wheel while impaired. And too often, accountability comes too late, or not at all,” wika niya.

Kabilang sa mga biktima ang 23-anyos na si Kingston Ralph Cheng, na nasawi sa isang hit-and-run incident na kinasangkutan ng isang lasing na driver sa Cebu City noong Pebrero 8, 2026.

“Kingston’s case exposed a critical gap in the law. Because testing was delayed, the suspect’s blood alcohol level had already dissipated, making it difficult to establish intoxication at the time of the incident. Under the current law, a driver can evade liability simply by avoiding immediate testing. This is unacceptable; justice should not depend on how long someone can delay enforcement,” giit ni Aquino sa explanatory note ng kanyang panukala.

“The death of Kingston Cheng is a painful reminder that we must do better to keep our roads safe. Ang mga pagbag-o niining balaod nagsiguro nga ang atong mga lagda dili lamang reaktibo, apan proaktibo; dili lamang silot, apan pang-prebentibo; ug labaw sa tanan, motubag sa importante nga atong gihatag sa kinabuhi sa matag Pilipino ug sa kinabuhi sa mga batan-ong Pilipino, nga sobra nga naapektuhan sa mga aksidente sa dalan,” dugtong pa niya.

Itinatakda ng Senate Bill No. 2068 ang mas mababa at nakabatay sa siyensiya na blood alcohol concentration (BAC) thresholds na 0.02 porsyento para sa mga baguhan at propesyonal na driver, kabilang ang mga operator ng public utility vehicles, at 0.03 porsyento naman para sa iba pang driver ng pribadong sasakyan.

Upang maiwasan ang pag-iwas sa pananagutan sa pamamagitan ng pag-antala o pagtanggi, ipinatutupad ng panukala ang implied consent na kung saan ang pagkakaroon ng lisensya ay nangangahulugang pagsang-ayon sa alcohol o drug testing kapag ito ay hinihingi ng naaayon sa batas.

Lahat ng driver na sangkot sa insidente ay kailangang sumailalim sa chemical test para sa alak at droga sa loob ng dalawang oras matapos ang insidente, at dapat tiyakin ng mga pulis at institusyong medikal na agad itong maisasagawa.

Pinapayagan din ng panukala ang paggamit ng retrograde extrapolation—isang siyentipikong proseso ng pagtukoy sa blood alcohol level ng isang tao sa oras ng pagmamaneho batay sa resulta ng test na isinagawa sa ibang oras—upang matukoy ang antas ng kalasingan ng driver noong naganap ang insidente.

Bukod sa mas mahigpit na parusa at pagpapatupad, nakatuon din ang panukala sa pag-iwas at rehabilitasyon sa pamamagitan ng pag-aatas sa mga lumabag na dumalo sa state-accredited alcohol safety program at pag-uutos ng paglalagay ng ignition interlock devices para sa mga paulit-ulit na lumalabag.

“At its core, this measure adopts a ‘Vision Zero’ approach: the belief that no loss of life on our roads is acceptable. Road safety is not just a matter of enforcement. It is a matter of policy, design, behavior, and accountability working together,” ani Aquino. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here