MANILA, Philippines – Inuri bilang “unhealthy for sensitive groups” ang air quality sa Valenzuela City nitong Lunes ng umaga, ayon sa Environmental Management Bureau–National Capital Region (EMB-NCR).
Sa 9 a.m. update ng EMB-NCR, umabot sa 105 ang air quality index (AQI) para sa particulate matter (PM2.5) sa Valenzuela.
Pinayuhan ang mga residente, lalo na ang may respiratory conditions, na magsuot ng face mask, limitahan ang outdoor activities, at panatilihing sarado ang mga bintana at pinto upang mabawasan ang exposure sa maruming hangin.
Ayon sa EMB, ang short-term exposure sa PM2.5 ay maaaring magdulot ng premature death sa may sakit sa puso o baga, nonfatal heart attacks, irregular heartbeat, aggravated asthma, pagbaba ng lung function, at respiratory symptoms gaya ng pag-ubo, airway irritation, at hirap sa paghinga.
Samantala, naitala ang “good” air quality sa ilang lugar kabilang ang Caloocan, Makati, Malabon, Mandaluyong, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Pasay, Quezon City, San Juan, at Taguig.
Nauna nang nakapagtala ng unhealthy air quality ang ilang bahagi ng Metro Manila matapos ang sunog sa sanitary landfill sa Navotas noong Abril 10. Santi Celario