Home NATIONWIDE 165K trabaho alok sa Labor Day job fair

165K trabaho alok sa Labor Day job fair

99
0

MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Lunes na aabot sa 165,000 trabaho ang magbubukas sa kanilang mga job fair sa buong bansa bilang bahagi ng pagdiriwang ng Labor Day, sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina.

Ayon kay Labor Assistant Secretary Lennard Constantine Serrano, isasagawa ang job fairs sa 89 na lugar sa buong bansa at lalahukan ng mahigit 1,700 employer.

“Ang lumalabas na nangunguna na trabaho, vacancies ay manufacturing. Mayroon sa wholesale and retail, business process outsourcing, construction, at accommodation at food services,” pahayag ni Serrano sa briefing na ipinalabas sa state-run PTV.

Magpapadala rin ang DOLE ng mga partner agencies gaya ng National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP), PhilHealth, Pag-IBIG at iba pa upang tulungan ang mga aplikante sa pagkuha ng mga kinakailangang clearance sa mismong job fair.

“[Ito ay] para mas mapadali sa mga naghahanap ng trabaho ang pag-access o pagkuha, o pag-secure ng mga clearances galing sa mga ahensyang ito. Ito ang isa sa pinagtitibay ng ating selebrasyon sa May 1,” ani Serrano.

Dagdag pa niya, magkakaroon din ng Public Employment Service Offices sa mga job fair site para sa employment, career, at vocational counselling ng mga aplikante, pati na rin pagre-refer sa mga training programs tulad ng TESDA skills enhancement.

Maaaring mag-pre-register ang mga jobseeker sa opisyal na website at social media pages ng DOLE upang malaman ang tamang job fair site na pupuntahan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here