MANILA, Philippines – Pinapayagan na ang pagdaan sa kalsada na pinagtumbahan ng siyam na poste ng kuryente dulot ng malakas na hangin sa kahabaan ng J.P Rizal st., Brgy. Tawiran, Obando nitong hapon ng June 1.
Sa ulat ng Meralco nitong June 2, sa pamahalaang bayan ng Obando, naglagay na ng mga pansamanatalang poste sa may kanang bahagi ng kalsada (Palaisdaang Bayan) upang maibalik ang suplay ng kuryente sa mga apektadong lugar.
Ayon sa pa sa ulat, pinapayagan na rin ang pagdaan dahil wala na ang mga nakatumbang poste subalit mahigpit na ipinagbabawal ang pagtambay, pamimingwit, pagpapalipad ng saranggola at pagkuha ng video sa lugar dahil may mga linta at poste na maaring magdulot ng panganib.
Sinusulat ito, bandang 1:45 ng madaling araw nitong June 2, naibalik na ng Meralco ang suplay ng kuryente habang patuloy naman ang restoration efforts para sa internet connectivity hanggang bukas at depende sa takbo ng operasyon ng company nito, ayon na rin sa impormasyon.
Mahigpit na paalala ng kinauukulan, huwag lumapit o humawak sa mga pansamantalang power lines dahil maari pa rin itong magdulot ng panganib at pagkakuryente. Dick Mirasol III