Home NATIONWIDE Pagsusulong ng space science and technology industry sa bansa suportado ni PBBM

Pagsusulong ng space science and technology industry sa bansa suportado ni PBBM

45
0

MANILA, Philippines – PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Martes ang 9th Philippine Space Council (PSC) meeting sa Palasyo ng Malakanyang kung saan inilatag at ipinresenta ang inisyatiba na dinisenyo para isulong ang ‘space science and technology industry’ ng bansa.

Sa isinagawang pagpupulong, sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na iniulat ng Philippine Space Agency (PhilSA) ang progreso ng Multispectral Unit for Land Assessment (MULA) satellite, na nakatakdang ilunsad sa April 2027.

Sa oras na maging operational, inaasahan na masusuportahan ang satellite ang disaster management, agricultural monitoring, at environmental mapping.

Inaprubahan din ng konseho ang resolusyon na nagdedeklara sa panukalang MULA constellation program na isang national priority. Hangad ng inisyatiba na ito na palawigin ang tinatawag na ‘sovereign Earth observation capabilities’ ng bansa sa pamamagitan ng locally developed satellites.

Inaprubahan naman ng PSC ang pagtatatag ng Philippine Sovereign Geostationary Telecommunications Satellite Program, naglalayong magbigay ng ‘secure at reliable’ na communications services.

“The proposed satellite system would help address connectivity gaps in remote areas, strengthen disaster resilience, and support mission-critical government operations,” ayon sa PCO.

In-adopt naman ng konseho ang resolusyon na hangad na i-balanse ang satellite data requirements sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno “to improve planning, monitoring, and decision-making while reducing duplication of resources.”

Sa kabilang dako, inaprubahan naman ang national orbital debris response protocol, naglalayon na gabayan ang mga ahensiya ng gobyerno sa pagtugon sa mga insidente na may kaugnayan sa space debris at rocket reentries sa loob ng teritoryo ng Pilipinas at maritime zones.

iniulat din ng PhilSA sa miting na nasubaybayan nito ang 90 space vehicle drop zones sa loob ng Philippine waters at airspace sa pagitan ng June 2022 at May 2026, biniyang-diin ang tumataas na pangangailangan para sa ‘coordinated space safety measures.’

Ipinaalam din ng ahensiya sa konseho ang plano nito na magsagawa ng ‘sounding rocket test’ na nakatakdang ilunsad sa Lal-lo, Cagayan, sa pagitan ng December 2026 at February 2027, para i-develop ang space launch capabilities ng bansa. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here