MANILA, Philippines – Nagpahayag nang pagka-alarma si Palace Press Officer Atty. Claire Castro sa naging pahayag ni Vice President Sara Duterte na hindi siya marunong mag-computer.
Sa isang ambush interview sa sidelines ng ASEAN sa Cebu, winika ni Castro na mismong si VP Sara ang umamin na hindi s’ya marunong mag-computer at ginagamit lang ito kapag nagzu-zoom.
Ani Castro, nakakalaarma ang bagay na ito lalo pa’t balak ng Bise Presidente na maging Pangulo ng bansa ngunit paano siya magkakaroon ng tamang pagpapasiya kung ang paggamit lang ng computer ay hindi niya alam.
Marahil ay mayroon umanong tagapindot ang Bise-Presidente kaya nagagamit ang sinasabing mamahaling computer.
Ayon pa kay Castro, nauna na rin inamin ni VP Sara na noong siya ang kalihim ng Department of Education (DepEd) ay hindi niya kayang i-review ang MATATAG Curriculum.
Maliban dito, inamin din ni VP Sara na wala siyang alam at ang kaya niya lang gawin ay magpukpok ng tao.
“So paano mamamahala ang isang kagaya ng Bise Presidente na magpupukpok lang ng tao ng hindi niya nare-review ang ginagawa ng mga taong inuutusan niya,” ang winika pa ni Castro. (KRIS JOSE)