Home NATIONWIDE Kamara binatikos ni Jinggoy sa di pagpapasa ng MTRCB Bill

Kamara binatikos ni Jinggoy sa di pagpapasa ng MTRCB Bill

279
0

MANILA, Philippines – Binatikos ni Senator Jinggoy Estrada ang House of Representatives nitong Martes dahil sa kabiguan nitong maipasa ang panukalang batas na magpapalakas at magpapalawak sa mandato ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Ang mga online streaming platform ay kasama sana sa mga kapangyarihang pangregulasyon ng MTRCB kung ang Senate Bill No. 2805 ay naisabatas.

Ang panukala ay inaprubahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa noong 19th congress ngunit ang counterpart measure nito ay nanatiling nakabinbin sa committee level sa House of Representatives.

“So this isn’t finished yet? Nothing in the House? They’re so lazy,” saad ni Estrada habang pinamumunuan niya ang Senate subcommittee on finance’s deliberations sa panukalang P221.297 million budget ng MTRCB para sa 2026.

Bagama’t binanggit ng senador na maraming stakeholders sa industriya ang tutol din sa panukalang batas, sinasabi na ito ay “impinges on a struggling film industry,” “strangles creativity” at masamang epekto sa “freedom of expression and artistic integrity.”

“It is in this context that we shall look into your budget, together with the direction that the agency is taking with your proposed table of expenditures and programs for next year,” ayon kay Estrada.

Para sa 2026, ang MTRCB ay nagmumungkahi ng P221.297 milyon na badyet.

Sa panukalang badyet, binanggit ni Estrada na P165.698 milyon ang inilaan para sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) at Capital Outlay ng MRTCB na kukunin sa sariling kita ng board, at ibibigay sa ilalim ng Special Provisions.

Ipinaalam naman ni Estrada sa MTRCB na inihain niya ang Senate Bill No. 878 na magtatatag ng Retained Income Fund at papalitan ang umiiral nitong sinking fund.

Sa ilalim ng panukalang batas na inihain noong Agosto, pahihintulutan ang MTRCB na panatilihin ang 50 porsiyento ng mga kita nito para magamit para sa MOOE nito hindi kasama ang pagbabayad ng mga suweldo at allowance. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here