MANILA, Philippines – Muling napanatili ng Pilipinas ang Tier 1 status sa pakikipaglaban sa Trafficking in Persons Report ng Estados Unidos.
Ayon sa Department of Justice at Inter-Agency Council Against Traffcking, patunay ito ng seryoso at tuloy-tuloy na laban ng bansa kontra human trafficking matapos pumasa sa pamantayan ng US State Department.
Ang Pilipinas ang isa sa 33 bansa mula sa 188 na sinuri na may Tier 1 ranking na nakamit ang pinakamataas na pamantayan sa pagtugon sa problema ng tafficking .
Kinilala ng US Department kinilala ang Pilipinas sa hindi pagtigil ng pamahalaan na matugunan ang banta at panganib ng human trafficking at mga kaakibat nitong paglabag sa karapatang pantao at dignidad sa buhay lalo na sa mha kaso ng OSAEC o online sexula abuse o exploitation of children sa ikasampung sunod na taon.
“This Tier 1 ranking is a beacon of light and an impetus for our sustained efforts. This fight is not only for Filipinos who are abused and exploited—it is a fight for all of humanity.” sabi ni SOJ Jesus Crispin Remulla.
Ayon sa DOJ, mananatiling buo ang kanilang panata na tapusin ang human trafficking at protektahan ang mga pinaka-mahihinang sektor ng lipunan. Jocelyn Tabangcura-Domenden