Home NATIONWIDE Kamara magsasagawa muli ng imbestigasyon sa panibagong reklamo kay Rep. Barzaga

Kamara magsasagawa muli ng imbestigasyon sa panibagong reklamo kay Rep. Barzaga

189
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ni House Committee on Ethics and Privileges Chairman at 4Ps Party-list Rep. JC Abalos na nakatakda sa susunod na Linggo ang iskedyul ng panibagong pagdinig sa bagong reklamo laban kay suspended Cavite 4th district Rep. Francisco “Kiko” Barzaga.

“So, kami po may scheduled hearing next week, and along with that motion, inadopt rin ng plenary na rinerequire po mag-attend ang respondent na si Representative Barzaga,” pahayag ni Abalos.

Sinabi ni Abalos na sa gagawing pagdinig ay may pagkakataon si Barzaga na depensahan ang sarili at magpresenta ng ebidensya.

Samantala, sa kanyang Facebook post, sinabi ni Barzaga na hindi siya dadalo sa patawag ng komite at handa siyang ma-expel.

“I will be ignoring the summons of the Ethics Committee, expel me if they want, but the Philippine Congress has done nothing but destroy the lives of the Filipino people,” nakasaad sa post ni Barzaga.

Sa susunod na Linggo ay dapat “back to work” na si Barzaga matapos ang suspension niya noong Disyembre 1, subalit sa isang privilege speech, sinabi ni Manila Rep. Ronaldo Valeriano na dapat palawigin at patawan ng mas mabigat na parusa si Barzaga dahil nilabag nito ang kondisyon sa kanyang suspension order, partikular ang pagpopost muli sa kanyang social media ng mga bagay na nakasisira sa imahe ng Kamara.

Ang mosyon ni Valeriano ay kinatigan ng House plenary, kaya inatasan ng House Ethics Committee na magsagawa muli ng panibagong imbestigasyon kung palalawigin ang suspension order laban kay Barzaga.

Hiling ni Valeriano na patawan ng dagdag na 60 araw na suspension si Barzaga. Gayunpaman, ang ethics committee ay may kapangyarihan na magrekomenda ng pinakamataas na parusa, kabilang ang expulsion o pagpapatalsik ng isang miyembro. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here