Home NATIONWIDE Solon nagbabala sa “disinformation” sa health issue ni PBBM

Solon nagbabala sa “disinformation” sa health issue ni PBBM

212
0

MANILA, Philippines – “This is not a health issue. This is a disinformation issue.”

Nagbabala si House Deputy Speaker at La Union 1st district Rep. Paolo Ortega sa publiko na maging mapanuri at huwag agad maniwala sa mga impormasyon na nakikita online, partikular tungkol sa kalagayan ng kalusugan ni Pangulong Bongbong Marcos.

Ang pahayag ay ginawa ni Ortega matapos may lumabas na medical test results ni Pangulong Marcos.

Aniya, mismong ang St. Luke’s Medical Center, kung saan sinasabing nanggaling ang test results, ang nagpalabas ng paglilinaw na hindi sa kanila galing ang report at ito ay pekeng dokumento. Ayon kay Ortega, sa ginawang paglilinaw ng ospital, wala nang dapat maging usapin pa.

“That alone settles the issue. There is nothing further to clarify beyond that. The President respects patient confidentiality and data privacy. That principle applies to everyone. No one should be pushed into violating privacy laws just to feed rumors,” ani Ortega.

Umapela rin si Ortega sa publiko na huwag nang i-share ang mga impormasyon na alam nang pineke.

“Fake documents do not deserve airtime. Spreading falsified material is irresponsible and only undermines public discourse,” giit niya.

Kasabay ng paggamit ng pangalan ng St. Luke’s sa pagpapakalat ng pekeng impormasyon, nagbanta rin ang ospital na mahaharap sa reklamo ang sinumang gagamitin ang kanilang pangalan sa pagpapalabas ng maling impormasyon. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here