MANILA, Philippines – Maghahain ng motion for reconsideration ang kampo ni dating Bamban Mayor Alice Guo sa desisyon ng Ombudsman na alisin siya mula sa kanyang opisina.
Sa mensahe sa mga mamamahayag, sinabi ni Atty. Stephen David na nalulungkot silang hindi nakita ng Ombudsman ang merit ng mga argumento ni Guo.
“Nonetheless, we are preparing for the Motion for Reconsideration as a prerequisite for filing an Appeal with rhetorical Court of Appeals,” ani David.
Ayon sa Ombudsman, ang mga ginawa ni Guo katulad ng kanyang kaugnayan sa nilusob na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa kanyang nasasakupan ay nagpakita lamang ng “willful intent on her part to violate the law or disregard established rules.”
Nitong Miyerkules, Agosto 14, naghain din ng tax evasion complaint ang Bureau of Internal Revenue laban kay Guo.
Sinabi ng BIR na bigong makapagbayad si Guo ng P500,000 halaga ng buwis. RNT/JGC