Mati City, Davao Oriental — Patuloy na lumalakas ang kampanya ni Senator Manny Pacquiao sa ilalim ng “Alyansa Para sa Bagong Pilipinas” sa Mindanao, dahil sa kanyang pagtutok sa kaunlaran ng mga kanayunan.
Sa Mati City, inilahad ni Pacquiao ang mga plano tulad ng libreng pabahay para sa mahihirap, kampanya laban sa korupsiyon, at pagsuporta sa kabuhayan. “Kung gusto natin ng tunay na pagbabago, kailangan simulan natin sa mga malalayong lugar — sa mga hindi naririnig at nakikita,” aniya.







