Home NATIONWIDE Kandidato sa Maynila, iba pa inisyuhan ng show cause order ng Comelec

Kandidato sa Maynila, iba pa inisyuhan ng show cause order ng Comelec

MANILA, Philippines – Inisyuhan na rin ng show cause order ng Commission on Elections (Comelec) sina Manila mayoral candidates Isko Moreno Domagoso at Sam Versoza dahil sa umano’y vote buying.

Bukod kay Domagoso at Versoza, anim pang kandidato ang inisyuhan ngayon ng show cause order ng komisyon.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, alegasyon ng vote buying at posibleng abuse of state resources ang dahilan ng show cause order.

Sinabi ng Comelec na nakatakdang ipadala ang show cause order ngayong araw.

Inaakusahan si Domagoso ng pamimili ng boto dahil sa pamimigay ng P3,000 sa mga guro, habang namahagi naman si Versoza ng mga de lata na may nakalagay na pangalan niya.

May show cause order din ang reelectionist na si Caloocan City Mayor Along Malapitan dahil sa pamimigay ng mahigit P3,000 sa Galini covered court.

Inaakusahan din ng vote buying sina Julian Edward Emerson Coseteng na kandidatong konsehal sa Quezon City; Baybay City, Leyte Mayoral Candidate Marilou Baligod at Leyte 5th District Congressional Candidate Atty. Levito Baligod; Kat Hernandez na kandidato ng Board Member ng Bulacan; kandidato sa pagka-konsehal ng Villaverde, Nueva Vizcaya na si Jerry Jose at Masbate gubernatorial candidate Richard Kho. Jocelyn Tabangcura-Domenden