Home METRO Kanlaon, nagligalig ulit; nagbuga ng abo

Kanlaon, nagligalig ulit; nagbuga ng abo

60
0

MANILA, Philippines – Muling nagbuga ng abo ang Kanlaon Volcano nitong Huwebes ng umaga, na nagdulot ng kulay-abong ulap na umabot sa tinatayang 1,200 metro mula sa bunganga ng bulkan, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Ayon sa PHIVOLCS, nagsimula ang pagbuga ng abo alas-6:00 ng umaga at nakuha sa sped-up footage mula sa monitoring camera ng bulkan.

“This event generated grayish plumes that rose 1200 meters above the crater before drifting southwest, as captured by the IP camera at Kanlaon Volcano Observatory–Canlaon City,” ayon sa PHIVOLCS.

Nauna nang nakapagtala ng kaparehong ash emissions sa mga nakalipas na araw. Noong Linggo, nagbuga rin ng abo ang bulkan na umabot sa 300 metro mula sa bunganga mula alas-6:58 hanggang alas-7:09 ng umaga.

Nananatili sa Alert Level 2 ang bulkan, na nangangahulugang may katamtamang antas ng pag-aalboroto ng bulkan. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here