Home METRO Kapatid ng dating Pangulong Duterte adviser, arestado sa Pasay City

Kapatid ng dating Pangulong Duterte adviser, arestado sa Pasay City

256
0

PASAY City, Philippines – Arestado ang kapatid ni Michael Yang, dating tagapayo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, noong Miyerkules ng gabi, Hulyo 9, sa Pasay City dahil sa palsipikasyon ng mga pampublikong dokumento, perjury, at paglabag sa batas na nagre-regulate ng paggamit ng mga alyas.

Ang suspek na kinilalang si Jianxin Yang, 54, residente ng Alwana Village, Cugman, Cagayan de Oro, ay nahuli ng mga miyembro ng Warrant and Subpoena Section (WSS) dakong 6:30 ng gabi sa Nasdake Building, William St., Barangay 13. Gumamit umano siya ng maraming alyas kabilang sina Antonio Lim, Tony Lim, at Tony Yang, ayon kay Col Joselito De Sesto, hepe ng Pasay City Police.

Sinabi ni De Sesto na nahuli si Yang batay sa warrant na inilabas ni Judge Elueteria Apdian Badoles-Algodon, Presiding Judge ng Supreme Court, Municipal Trial Court in Cities, 10th Judicial Region, Branch 2, Cagayan de Oro City, na may petsang Nobyembre 22, 2024.

Inirekomenda ni Judge Algodon ang piyansang P36,000 para sa falsification of a public documents, P18,000 para sa perjury, at P30,000 para sa paglabag sa batas sa mga alias.

Si Yang ay iniulat na nakatatandang kapatid ni Micahel Yang, ang dating economic adviser ng dating Pangulo, na dating iniugnay sa mga aktibidad ng ilegal na droga.

Si Yang, na iniulat na isang ilegal na dayuhan na naninirahan sa bansa sa loob ng halos 30 taon, ay unang inaresto noong Setyembre 19, 2024 sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 ng Bureau of Immigration Fugitive Search Unit at Intelligence Division, sa koordinasyon ng Presidential Anti-Organized Crime Commission, kasunod ng kanyang pagdating mula sa Cagayan de Oro.

Siya ay kasalukuyang nakakulong sa Pasay City Police custodial facility. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here