Home NATIONWIDE Kapayapaan sa Indo-Pacific Region tinalakay ng AFP chief, US Pacific Fleet commander

Kapayapaan sa Indo-Pacific Region tinalakay ng AFP chief, US Pacific Fleet commander

MANILA, Philippine- Nagpulong sina Armed Forces of the Philippines (AFP) chief, Gen. Romeo Brawner Jr. at United States Pacific Fleet commander, Adm. Stephen Koehler nitong Lunes upang talakayin ang mga pamamaraan kung paano mapananatili ang kapayapaan sa Indo-Pacific Region.

“In their meeting, Gen. Brawner Jr. expressed his gratitude to Admiral Koehler for the continued support of the enduring US-Philippine alliance amidst evolving security challenges,” pahayag ni AFP public affairs office chief Col. Xerxes Trinidad nitong Martes.

Sa kanilang pulong sa AFP headquarters sa Camp Aguinaldo, Quezon City, binigyang-diin ni Brawner ang dedikasyon ng AFP sa pagpapanatili ng malaya at mapayapang Indo-Pacific region sa pamamagitan ng rules-based approaches sa ilalim ng international law.

Sinabi ni Trinidad na ipinapakita ng courtesy call ni Koehler ang strategic partnership ng AFP upang palakasin ang interoperability at paigtingin ang combined capabilities sa maritime domain.

Gayundin, pinag-usapan ng dalawang opisyal ang pagsasagawa ng kauna-unahang multilateral maritime cooperative activity at regular na pagsasagawa ng Manila at Washington D.C. ng nasabing aktibidad.

Bahagi ang mga ito ng pagsisikap na igiit ang “collective commitment” sa regional at international cooperation sa pagbabantay sa Indo-Pacific Region. RNT/SA