Home NATIONWIDE Kapitan, militiaman patay sa ambush sa Cotabato

Kapitan, militiaman patay sa ambush sa Cotabato

212
0

MANILA, Philippines – Tinambangan ng hindi pa tukoy na mga gunman ang barangay official at militiaman sa Arakan, Cotabato nitong Sabado ng umaga, Enero 17.

Kinilala ni Major Reynante Pascua, Arakan municipal police chief, ang mga biktima na sina Jerry B. Prande, 50, kapitan ng Barangay Malibatuan, at kanyang pamangkin na si Gemar Prande, 41, isang paramilitary at nagsisilbing escort nito.

Sakay ng motorsiklo ang mga biktima nang harangin ng mga suspek na nakasakay sa magkakahiwalay na motorsiklo sa Sitio Butterfly ng Barangay Malibatuan at paulanan ang mga ito ng bala.

Tinamaan ang mga biktima sa ulo na ikinamatay ng mga ito on the spot.

Anang pulisya, nahulog naman ang motorsiklo ng mga biktima sa kanal kasunod ng ambush.

Agad na tumakas ang mga suspek matapos ang pananambang.

Inilunsad na ang manhunt laban sa mga suspek at nanawagan ang pulisya sa sinumang may impormasyon tungkol sa mga suspek. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here