Home METRO Kapitan ng barangay itinumba sa Ilocos

Kapitan ng barangay itinumba sa Ilocos

200
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang incumbent na kapitan ng barangay sa nangyaring pamamaril nitong Biyernes ng gabi, Setyembre 20 sa Barangay 5, San Silvestre, San Nicolas, Ilocos Norte.

Ang biktima na kinilalang si Jojo Bagay, kasal, at kapitan ng barangay ay binarily alas-6 ng gabi ng hindi pa nakikilalang suspek habang nakaupo sa garahe ng kanyang tirahan.

Dinala sa ospital ang biktima ngunit idineklarang patay ng umatending doktor.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng gunman at ang posibleng motibo sa krimen. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here