Home METRO Karagdagang ambulansya, botika ilulunsad ng Laguna

Karagdagang ambulansya, botika ilulunsad ng Laguna

5
0

LAGUNA, Philippines – Inanunsyo ni Laguna Governor Sol Aragones ang paglulunsad ng siyam na ambulansya, anim na bagong community pharmacy, at dagdag na libreng maintenance medicines upang mapalakas ang serbisyong pangkalusugan sa lalawigan.

Sa ilalim ng programang “Ambulance on the Go,” magkakaroon ng iisang emergency hotline para sa mas mabilis na paghingi ng ambulansya. Magsisimula ito sa Oktubre sa ikaapat na distrito ng Laguna habang isinasagawa ang pagsasanay ng mga medical personnel at pagbuo ng hotline. Target ding palawakin ang programa sa ibang distrito kapag may sapat na pondo.

Ayon kay Aragones, natapos na rin ang pagtatayo ng Akay ni Gob Botika sa lahat ng 24 munisipalidad at anim na lungsod ng Laguna, at magdadagdag pa ng tig-isang botika sa bawat lungsod.

Palalawakin din ang libreng maintenance medicines para sa altapresyon, mataas na cholesterol, at mataas na blood sugar mula apat na uri tungo sa sampu.

Kasabay nito, isinasagawa ang pagsasaayos at pagdaragdag ng kagamitan sa walong district hospital at isang provincial hospital. Inihayag din ng gobernador ang Laguna Mega Clinic, isang outpatient facility na inaasahang makatutulong sa pagpapaluwag ng mga district hospital bilang bahagi ng development roadmap ng lalawigan para sa 2027. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here