Home NATIONWIDE PCSO Chorale, kakanta ng Lupang Hinirang sa SONA ni PBBM

PCSO Chorale, kakanta ng Lupang Hinirang sa SONA ni PBBM

5
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Malakanyang na ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chorale ang kakanta ng Lupang hinirang sa pang-5 State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Hulyo 27, 2026.

Ang chorale group ng PCSO ang tinanghal na Grand Prix champion sa Korea International Choir Competition 2026, kung saan tinalo nila ang 47 iba pang grupo.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na walang celebrity na magpapaningning sa nasabing event dahil nais ng Pangulo na simple at marangal ang kanyang SONA.

Ang In-House o RTVM aniya ang magdi-direct ng SONA ng Pangulo.

“Ang magho-host po kasi ng SONA ay ang House of Representatives. Pero naka-align po ang ehekutibo, ang Office of the President dahil ang panawagan po dito ay simple lamang po, simpleng okasyon,” ang nauna ng sinabi ni Castro,

“Iyan po talaga ang plano at iyan din po ang gusto ng Pangulo,” ang sinabi pa rin ni Castro.

Nangako naman si Castro na kaagad na ibabahagi sa Malacanang Press Corps (MPC) ang iba pang detalye sa SONA ng Pangulo. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here