MANILA, Philippines – Makikipagpulong ang Philippine National Police (PNP) sa Iglesia ni Cristo (INC) bilang paghahanda sa pagdiriwang ng ika-112 anibersaryo nito sa Hulyo 27.
Ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., inaasahang dadalo ang sampu-sampu o daan-daang libong miyembro kaya kinakailangang tiyakin ang seguridad ng pagtitipon. Makikipag-ugnayan ang PNP sa INC upang pag-usapan ang venue at mga hakbang sa seguridad.
Kasabay ng pagdiriwang ng INC ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Dahil parehong nasa Commonwealth Avenue ang INC Central Office at karaniwang lugar ng mga kilos-protesta tuwing SONA, naghanda na ang PNP ng mga zipper lane, no-rally zones, barriers, at iba pang security measures.
Sinabi rin ni Nartatez na nakahanda na ang security plan para sa Batasang Pambansa, MalacaƱang, Liwasang Bonifacio, Embahada ng Estados Unidos, Senado, at People Power Monument. Nauna nang inanunsyo ng PNP na magpapakalat ito ng mahigit 20,000 pulis para sa seguridad sa SONA. RNT/MDS