MANILA, Philippines- Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang batas ang 11 panukalang lumilikha ng karagdagang court branches sa Pilipinas. Dahil dito, may kabuuang 44 bagong court branches ang itatatag.
Sa bisa ng 11 Republic Acts na ipinalabas ng Malacañang nitong Linggo, ipinag-utos ni Marcos ang paglikha ng sumusunod na court branches:
12 karagdagang branches ng Regional Trial Court sa Fourth Judicial Region sa Los Baños, Cabuyao, Laguna
Isang branch ng Municipal Trial Court sa Cabuyao, Laguna
Dalawang karagdagang branches ng Regional Trial Court at dalawang karagdagang branches ng Municipal Trial Court sa mga lungsod ng Pagadian, Zamboanga Del Sur
10 karagdagang branches ng Regional Trial Court at walong karagdagang branches Municipal Trial Court sa Antipolo, Rizal
Dalawang karagdagang branches ng Regional Trial Court sa Samal, Panabo, Davao del Norte
Apat na karagdagang branches ng Regional Trial Court at apat na karagdagang branches ng Municipal Trial Court sa Ormoc, Leyte
Dalawang karagdagang branches ng Regional Trial Court sa Tubod, Lanao Del Norte
Isang karagdagang branch ng Municipal Trial Court sa Malaybalay, Bukidnon
Dalawang karagdagang branches ng Municipal Trial Court sa Bacolod, Negros Occidental
Tatlong karagdagang branches ng Regional Trial Court at dalawang karagdanag branches ng Metropolitan Trial Court in Navotas
Tatlong karagdagang branches ng Municipal Trial Court sa San Carlos, Pangasinan
Dalawang karagdagang branches ng Regional Trial Court sa Gingoog, Misamis Oriental