Home NATIONWIDE Karagdagang P2-K honoraria sa mga guro para sa BSKE 2026, iminungkahi ng...

Karagdagang P2-K honoraria sa mga guro para sa BSKE 2026, iminungkahi ng Comelec

318
0

MANILA, Philippines – Nakatakdang tumanggap ng karagdagang honoraria ang mga gurong magsisilbing poll worker sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa 2026 dahil sa pagtaas ng pondo na galing sa muling alokasyon ng mga budget sa flood control program.

Sa budget deliberations sa House of Representatives, kinumpirma ni Representative John Tracy Cagas ng Davao del Sur Lone District na ang mga guro na itatalaga bilang chairperson ng electoral board ay tatanggap ng P12,000, habang ang board members ay tatanggap ng P11,000.

Sa isang ambush interview, sinabi ni Comelec chairman George Erwin Garcia na nag-lobby sila para sa karagdagang honoraria.

Ibinahagi rin ni Garcia na iminungkahi nila ang karagdagang 10,000 voting precincts para sa BSKE.

Noong nakaraang national at local elections, nakatanggap ang mga guro ng karagdagang P1,000 honorarium mula sa Pangulo.

Dahil dito, umabot sa P13,000 ang kabuuan para sa chairperson at P12,000 naman para sa mga miyembro.

Tiniyak ni Garcia na patuloy nilang ipagtatanggol ang karagdagang honoraria para sa mga guro sa Senado. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here