Home METRO Akusasyon ng sexual assault, ‘di totoo – Marikina Rep. Teodoro

Akusasyon ng sexual assault, ‘di totoo – Marikina Rep. Teodoro

235
0

Manila, Philippines – Itinanggi ni Marikina Rep. Marcelino Teodoro ang mga akusasyon ng ng sexual assault at acts of lasciviousness sa Department of Justice (DOJ) sa pagsasabing ito ay “malisyoso at hindi totoo.”

Giit ng kongresista na ang mga alegasyon ay walang sapat na basehan at  gawa-gawa lamang na ang intensyon ay sirain ang kaniyang reputasyon.

“Mukhang politically motivated attack laban sa akin. May mga trumatrabahong pwersa. Mukhang orchestrated ang paglabas ng balita, at ang lumabas na kwento ay hindi kapanipaniwala. Sobra na at sunod-sunod ang mga atake sa akin nakakaawa na ko,” giit ng mambabatas.

Hanggang sa mga oras na ito ay sinabi ni Teodoro ay hindi pa siya nakatatanggal ng pormal na reklamong isinampa laban sa kaniya kung kaya wala pa siyang hawak na kabuuang detalye o impormasyon tungkol sa naturang mga alegasyon.

“Ayon sa Department of Justice (DOJ) Circular No. 20 (2023), the complainants will undergo case build-up and legal evaluation to determine sufficiency of evidence before any preliminary investigation.

Malinaw sa nakasaad na DOJ Circular, na dapat may legal evaluation at pagsusuri ng ebidensya bago magsagawa ng preliminary investigation, kaya maituturing ito na isang alegasyon pa lamang.”

Dahil dito ay nanawagan si Todoro ng isang patas na imbestigasyon upang aniya’y maproteksyunan niya ang kaniyang reputasyon.

“Umaasa ako sa isang impartial, transparent, at bukas na imbestigasyon upang maproteksyunan ko ang aking reputasyon dahil sunod-sunod na ang atake laban sa akin,” ayon pa sa mambabatas.

Naunang napaulat ang paghahain ng dalawang pulis ng reklamo laban kay Teodoro dahil sa umano’y panggagahasa na umano’y pawang mga close-in security ng kongresista. (Meliza Maluntag)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here