Manila, Philippines – It took more than a year bago mag-react si Karla Estrada tungkol sa pinagdaanan nang maghiwalay ang anak na si Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo.
Naging magkasintahan ang loveteam na kinilalang KathNiel sa loob ng 11 taon.
Sa magkahiwalay na post noong November 30, 2023 ay inamin ng dalawa ang tungkol sa kanilang breakup.
Without getting to the bottom of the issue, netizens were quick to jump the gun.
Sinisisi nila si Daniel sa umano’y kataksilan nito, bagay na hindi naman napatotohanan.
Isa nga si Andrea Brillantes sa mga babaeng idinidikit kay Daniel.
What was life then like for Daniel’s mom Karla Estrada?
Sa kanyang guesting sa Fast Talk with Boy Abunda, inamin ng celebrity mom na hindi raw niya kinaya ang mga panahong ‘yon.
Tahasan niyang sinabi na hindi raw makain o kayang sikmurain ang mga masasakit na salitang ibinabato sa kanyang anak.
Tinawag ni Karla na bordering on “kabastusan” na raw ‘yon na: “Halos ikamatay ko!”
Sa kabila ng paliwanag ni Karla, hindi naman niya kinumpirma o itinanggi ang kasalanan o pagkukulang ni Daniel.
Aniya, sila lang naman daw talaga ni Kathryn ang nakakaalam kung ano ang totoo.
Kasabay nito, she gave Daniel his much-needed space.
Pero kung anuman daw ang naging pagkakamali ni Daniel, umaasa si
Karla na kinapulutan ng aral ‘yon ng anak.
“Wala namang perpektong tao, but I hope Daniel will be okay. Mukha namang mas okey na siya ngayon,” pagbabahagi ni Karla. Ronnie Carrasco III