Home NATIONWIDE ‘Patas na laban’ sa Eleksyon 2025 hirit ni Digong kay Marcos

‘Patas na laban’ sa Eleksyon 2025 hirit ni Digong kay Marcos

MANILA, Philippines- Umapela si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kahalili niyang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na pairalin ang pagiging patas sa darating na halalan sa Mayo.

Sa Partido Demokratiko Pilipino’s national coordination meeting sa Davao City nitong Huwebes, sinabi ni Duterte na umaasa siyang bibigyan ni Marcos ang bawat isa ng pantay na pagkakataon sa midterm elections.

“This coming election, I hope that the president, kung marinig niya ako, bigyan niya tayo ng, sabi ko nga a fair shake, patas lang ang laban. Wala lang…he will not allow, kagaya ko noon, nag prangka-prangka ako sa mga tao, tayo na huwag kayong pumasok sa takutan, huwag kayo sa violence,” pahayag ni Duterte nitong Biyernes.

Kapwa inendorso nina Duterte at Marcos ang mga kandidatong tumatakbo sa Senado, kung saan nilalayon ni Marcos na mapanalunan ang 12 pwesto. RNT/SA