Home METRO Karne ng aso inihain sa resto sa Benguet; kaso, isinampa

Karne ng aso inihain sa resto sa Benguet; kaso, isinampa

1
0

BENGUET, Philippines – Kinumpirma ng National Meat Inspection Service (NMIS) na karne ng aso ang laman ng isang pagkain na binili sa isang restawran sa La Trinidad, Benguet, matapos magpositibo ito sa dog DNA sa isinagawang laboratory test.

Dahil dito, nagsampa ng apat na bagong kasong kriminal ang animal welfare advocate na si Atty. Amadeo Degay laban sa may-ari ng restawran. Wala pa itong pahayag tungkol sa isyu.

Ayon kay Degay, ito na ang ikalawang pagkakataon na nakumpirmang nagbebenta umano ng karne ng aso ang isang restawran na may parehong pangalan sa La Trinidad.

Nilinaw din niya na bagama’t may limitadong exemption sa Animal Welfare Act para sa ilang ritwal na pangkultura, hindi nangangahulugang bahagi ng kultura ang pagkatay ng aso para kainin.

Samantala, sa hiwalay na operasyon sa Baguio City, inaresto ng pulisya ang isang 44-anyos na lalaki na umano’y nahuling kumakatay ng tatlong aso sa Barangay Kias noong Hulyo 12.

Nahaharap ang suspek sa tatlong kaso ng paglabag sa Animal Welfare Act of 1998. Wala pa rin siyang inilalabas na pahayag. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here