Home ENTERTAINMENT Karylle, tinawag na ‘DDS’ si Nonoy Zuñiga, nagpaliwanag!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Karylle, tinawag na ‘DDS’ si Nonoy Zuñiga, nagpaliwanag!March 24, 2025 15:17 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok Manila, Philippines- Trending ang naging pagpapakilala ni Karylle sa beteranong OPM singer na si Nonoy Zuñiga.Isa kasi ang singer sa hurado ng “TNT Grand Resbak 2025” ng “It’s Showtime”.Ibinuking niya na isang DDS si Nonoy na agad namang nilinaw ng singing doctor.Itinanggi ni Nonoy na isa siyang DDS at iginiit na isa siyang MD o Doctor of Medicine.Bumawi naman si Karylle at sinabing ang ibig sabihin ng tila pa-shade niya ay Doctor of Dental Science instead of Diehard Duterte Supporter.Hirit ni Karylle sa contestant :”Ang maghuhurado sa ‘yo, isa siyang DDS, isa siyang dentista, Dr. Nonoy Zuñiga!”Agad namang nag-react sina Jhong Hilario at iba pang hosts sa pasabog ni Karylle habang nag-i-interview sa Grand Resbaker.Dagdag pa ni Karylle :”Di ba, Tito? Baka hindi nila alam, Tito Nonoy, ‘di ba you’re a dentist?” ,Giit naman ni Nonoy :”No, I’m not. I’ve finished medicine.”Dahil dito, nag-usisa si Vice Ganda.“Ano ba ‘yong DDS?” tanong ni Meme.“Ano kasi ‘yon, Doctor of Dental Science,” palusot ni Karylle.Sa puntong iyon, natatawang sumingit si Vice Ganda, “iklaro kasi natin.”Humingi naman ng dispensa si Karylle kay Nonoy at ikinatwirang mali ang impormasyong nakalat niya sa ama.Hindi naman na-offend si Nonoy at nagpatuloy na lamang sa pagbibigay ng assessment niya sa mga kalahok ng Grand Resbak.Si Karylle ay kilalang isang certified Kakampink. Archie Liao