Home METRO Kasalang-Bayan isinabay sa Navotas Cityhood Anniversary

Kasalang-Bayan isinabay sa Navotas Cityhood Anniversary

Nasa 39 na magsing-irog ang nagbigay sa isa’t-isa ng kanilang “I Do” sa ginanap na Kasalang-Bayan kasabay ng ika-17th Navotas Cityhood Anniversary.

Ilan sa ikinasal ang matagal nang nagsasama na sina Cirilo Arsenio, Jr. at Anabel Alcantara, na may 27 taon nang magkalive-in partner.

Sinabi ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang kahalagahan ng kasal sa pagtatayo ng isang matatag na pamilya.

“Although some of you have been together for several years, and perhaps some of you already have children, keep in mind and take to heart the value of the sacrament of marriage,” ani Tiangco.

“Marriage strengthens your relationship. It binds your union and enables you to overcome any trials you might face together in the future,” dagdag ng alkalde.

Tiniyak naman ng alkalde sa mga ikinasal ang suporta mula sa proyekto at programa ng lungsod upang mapaunlad ang buhay ng bawat pamilyang Navoteño.

Hinimok din ang mga bagong kasal na hubugin ang kanilang tungkulin para sa kinabukasan ng pamilya.

“Teach your children self-discipline, love for others, and respect for those around them. What you teach them and what they see in you will shape their character. So be a model and inspiration to your children. They are the next leaders of our city,” paliwanag ni Tiangco. (R.A Marquez)