MANILA, Philippines – Opisyal nang nagsimula nitong Lunes, Mayo 19, ang isang buwang Exercise na “Kasangga” 2025-1 sa pagitan ng Filipino at Australian military forces.
Sa pahayag nitong Martes, Mayo 20, sinabi ni Philippine Army (PA) spokesperson Col. Louie Dema-ala na ang mga drill ay nagsimula sa
Camp Edilberto Evangelista, Patag, Cagayan de Oro City nitong Lunes, marka ng kauna-unahang pagsasagawa ng mga drill sa Mindanao.
“The Philippine Army-Australian Army Exercise (PAAAE) ‘Kasangga’ 2025-1 brings together three platoons from the PA’s 4th and 10th Infantry Divisions and the Combat Engineer Regiment and their training counterparts from the Australian Army,” dagdag pa niya.
Magsasanay ang participating troops mula Mayo 19 hanggang Hunyo 24 sa Camp Kibaritan, Bukidnon.
Kabilang sa mga exercise ay ang jungle at urban operations, breaching operations, tactical casualty care, jungle survival training, maging ang mobility, counter-mobility at reconnaissance operations. RNT/JGC