Home NATIONWIDE Rapist sa Cagayan, himas-rehas

Rapist sa Cagayan, himas-rehas

CLAVERIA, Cagayan – Himas rehas ang tinaguriang provincial Top 5 Most Wanted Person sa kasong “Rape at Sexual Abuse na may kaugnayan sa RA 7610” matapos na maaresto ng pulisya sa bayan ng Claveria, Cagayan.

Ang akusado ay kinilala na si aka Peter, 44 anyos, binata at residente ng nasabing bayan.

Siya ay matagumpay na nadakip ng pinagsanib-pwersa ng Claveria Police Station sa pamumuno ni 0Maj. Mario Maraggun kasama ang RIU-PIT Cagayan North, 203rd MC, RMFB2 at 2nd PMFC, Curva,Pamplona,Cagayan.

Inaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na may Php 200,000.00 para sa kasong Sexual Abused at walang inirekomendang piyansa para sa kasong Rape in relation to RA7610.

Pansamantala nasa kustodiya ng Claveria Police Station ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago ipasakamay sa korteng pinagmulan. REY VELASCO