Home NATIONWIDE Ex-kagawad niratrat ng naka-itim na bonet sa Bulacan, todas

Ex-kagawad niratrat ng naka-itim na bonet sa Bulacan, todas

Bulacan – Patay ang motorcycle rider matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang kapwa niya rider na nakasuot ng itim na bonet sa lungsod ng Baliwag.

Sa report, kinilala ang biktimang si Leonardo, residente ng Brgy. Palitan habang ang suspek na lulan ng white Yamaha Mio Sporty ay nakasuot ng long sleeves, maong pants at black bonnet.

Ayon sa report, naganap ang insidente bandang 5:50 ng hapon nitong Mayo 19 sa Brgy. San Roque

Base sa report at sa salaysay ng saksi, habang binabagtas ni Leonardo ang Guadalupe st pauwi lulan ng Honda Click ay pinagbabaril ito ng rider.

Agad na tumakas ang suspek sa hindi malamang direksyon na umanoy gumamit ng 9mm pistol sa kanyang pamamaril na ikinasawi ng biktima.

Sinasabing dating barangay kagawad ang biktima na kilalang mabait sa nabanggit na lugar.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para sa ikadarakip ng suspek. Dick Mirasol