Home NATIONWIDE Kaso ng ASF sa Nueva Ecija, kontrolado na – BAI

Kaso ng ASF sa Nueva Ecija, kontrolado na – BAI

3
0

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Bureau of Animal Industry (BAI) na kontrolado na ang mga kaso ng African swine fever (ASF) na naitala sa Nueva Vizcaya at hindi ito senyales ng malawakang pagkalat ng sakit sa lalawigan.

Sa pahayag nitong Huwebes, sinabi ng BAI na pawang mga hiwa-hiwalay na kaso lamang ang naitala at agad itong natugunan kaya walang ebidensiya ng patuloy na pagkalat ng sakit.

Batay sa datos ng Provincial Veterinary Services Office (PVSO), nasa 23 kaso ng ASF ang naitala ngayong 2026 sa mga bayan ng Kasibu, Bayombong, at Villaverde.

Ayon sa BAI, ang kaso ng ASF na naitala noong Pebrero sa Kasibu na sangkot ang isang magsasaka ay agad na nakontrol sa pamamagitan ng koordinadong pagtugon ng mga kinauukulang ahensya. Kinumpirma rin ng PVSO na hindi na aktibo ang kaso batay sa kasalukuyang monitoring at surveillance activities.

“The Bureau of Animal Industry (BAI) clarifies that the African Swine Fever (ASF) cases detected in Nueva Vizcaya this year are not indicative of an ongoing widespread outbreak,” ayon sa BAI.

“The reports were isolated cases that have been promptly addressed and remain under control, with no evidence of transmission or spread in the province.”

Patuloy umanong minomonitor ng mga veterinary authority ang sitwasyon at nagpapatupad ng mga hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng ASF.

Hinimok din ng BAI ang mga hog raiser na agad iulat ang mga pinaghihinalaang kaso at mahigpit na sundin ang mga biosecurity protocol upang mapabilis ang pagtukoy at pagpigil sa sakit. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here