Home LIFESTYLE HEALTH Kaso ng influenza-like illness sa bansa, tumaas ng 35% — DOH

Kaso ng influenza-like illness sa bansa, tumaas ng 35% — DOH

4
0

MANILA, Philippines – Tumaas ng 35% ang mga kaso ng influenza-like illness (ILI) sa bansa, kasunod ng karaniwang pagdami ng respiratory infections tuwing panahon ng tag-ulan, ayon sa Department of Health (DOH).

Batay sa pinakahuling Ulat ng Ahensya, nakapagtala ang DOH ng 13,321 kaso mula Setyembre 24 hanggang Oktubre 7, mas mataas kumpara sa 9,896 kaso na naitala mula Setyembre 10 hanggang 23.

Ayon kay Health Secretary Edwin Mercado, maaaring maiugnay ang pagtaas sa mas malamig na panahon at iba pang kondisyon na nagpapabilis sa pagkalat ng respiratory infections.

Nagpatupad din ang DOH ng heightened surveillance sa 15 probinsya at highly urbanized cities sa pitong rehiyon, kung saan kabilang sa may pinakamalaking pagtaas ng kaso ang Mimaropa, Western Visayas at Central Visayas.

Sa kabila nito, nasa 130,591 ang kabuuang bilang ng ILI cases sa bansa, mas mababa pa rin ng 20% kumpara sa 163,304 kaso na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Nanatili rin sa mas mababa sa 1% ang case fatality rate, ayon sa DOH.

Pinaiigting ng kagawaran ang preventive measures gaya ng wastong hygiene, pagsusuot ng face mask kapag may sintomas, at pagpapakonsulta sa YAKAP clinics at health centers.

Hinihikayat din ang publiko, lalo na ang vulnerable at high-risk groups, na magpabakuna laban sa trangkaso.

Ayon sa World Health Organization, ang ILI ay isang acute respiratory infection na may lagnat na hindi bababa sa 38 degrees Celsius at ubo, na nagsimula sa loob ng nakaraang 10 araw.

Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here