Home HOME BANNER STORY Kaso ng Mpox sa Pinas, bumaba pa nga – DOH

Kaso ng Mpox sa Pinas, bumaba pa nga – DOH

270
0

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na bumaba ang mga kaso ng monkeypox (mpox) sa bansa noong Mayo 2025.

Ayon kay DOH spokesperson Albert Domingo, mas mababa sa 50 ang naitalang kaso noong Mayo, kumpara sa mahigit 50 noong Abril.

Sinabi niyang mas tinitingnan ng ahensya ang trend kada buwan kaysa kabuuang bilang upang hindi magdulot ng labis na pangamba.

Mula 2024, umabot na sa 911 ang kabuuang mpox cases, ngunit noong Setyembre 2024, sa mahigit 200 suspected cases, 10 hanggang 20 lamang ang nakumpirma bilang mpox—ang iba ay chickenpox.

Ang tanging variant sa bansa ay ang mild na Clade II; hindi pa na-dedetect ang mas nakahahawang Clade 1B.

Ayon kay DOH Secretary Ted Herbosa, ang mga nasawi ay kadalasang may advanced HIV, hindi dahil mismo sa mpox. Aniya, ang mpox ay karaniwang gumagaling sa loob ng 2 hanggang 3 linggo.

Dagdag pa ni Domingo, hindi airborne ang mpox kundi kumakalat sa balat-sa-balat na kontak, kaya ang pag-iingat ay dapat naaayon sa paraan ng hawahan, hindi lang basta pag-mask. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here