Home NATIONWIDE Pakikipagbati kay PBBM ‘di ko prayoridad – VP Sara

Pakikipagbati kay PBBM ‘di ko prayoridad – VP Sara

206
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Pangalawang Pangulo Sara Duterte na hindi niya prayoridad ang pakikipag-ayos kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dahil mas mahalaga ang kapakanan ng bayan kaysa sa personal na isyu.

“Unang-una, hindi muna siguro ako magsalita about reconciliation dahil hindi naman mahalaga siguro ang mga personal na problema… Ang mas mahalaga is ‘yong taumbayan at iyong bayan natin,” anang Bise Presidente sa isang ambush interview sa The Hague.

Ginawa niya ang pahayag sa The Hague matapos sabihin ni Marcos na bukas siya sa pakikipagbati.

Binisita ni VP Sara ang kanyang ama, dating Pangulong Rodrigo Duterte, na nakakulong sa ICC, at ibinahagi nitong nais pa rin ng ama niyang manumpa bilang alkalde ng Davao.

Ukol sa impeachment, sinabi ni Sara na sang-ayon siya sa proseso para malinawan ang mga paratang laban sa kanya.

Dagdag pa niya, hindi pinayagan ng ICC si Senadora Imee Marcos na makabisita sa kanyang ama. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here