Home ENTERTAINMENT Kaso ni Rufa Mae, na-dismiss!

Kaso ni Rufa Mae, na-dismiss!

Manila, Philippines – “Go, grow, glow!”

Dito inumpisahan ni Rufa Mae Quinto ang kanyang social media post nitong May 2.

Ito ay makaraang natanggap ng sexy comedienne ang masayang balita na dinismiss ng korte ang kasong kinakaharap niya.

Ito ay kaugnay ng 14 counts ng paglabag sa Section 8 ng Securities Regulation Code kung saan involved ang Dermacare dahil sa inireklamong investment scam laban dito.

Nagbubunyi nga si Rufa Mae dahil “na-quash na ang case. Malaya na ako!”

To aptly describe her now, “free as a kite” and “free as a bird” na raw siya.

Dahil nga sa kanyang labis na kagalakan, “nagpa-fresh ako, pampering…ako rin nag-make up sa sarili ko!”

Tatlong F naman ang kanyang pinasalamatan–family, friends at fans.

Matatandaang nasa Amerika si Rufa Mae nang pumutok ang kanyang pangalan kasunod ni Neri Naig.

Minabuting umuwi ni Rufa Mae sa bansa para sa kanyang voluntary surrender.

Balitang naglatag siya ng P1.7 million bilang piyansa.

Nagpapasalamat din ang komedyana na hindi idinamay ang kanyang nag-iisang anak.

Wala rin daw siyang kinikimkim na sama ng loob sa mga nanakit sa kanya.

“To God be the glory,” dagdag niyang post. Ronnie Carrasco III