Home OPINION SEC. RALPH KINAMUMUHIAN, VILMA, MGA ANAK DAMAY?

SEC. RALPH KINAMUMUHIAN, VILMA, MGA ANAK DAMAY?

SUKLAM na suklam ngayon ang mga Pilipino syempre kabilang ang mga Batangueño kay Finance Secretary Ralph Recto dahil sa pagnanais nitong magpatupad ng panibagong buwis sa bansa.

Si Recto, naging congressman ng 4th district ng Batangas, naging senador, naging Director General ng National Economic and Development Authority at ngayon ay kasalukuyang kalihim ng Finance, ang author ng Value Added Tax.

Kamakailan, nagpanukala ng panibagong buwis si Recto na mukhang ang tatamaan na naman ay ang nasa middle class at mahihirap at ito ay magkaugnay sa pagbebenta ng mga ari-arian.

Sabi ni Recto, makikinabang sa dagdag na buwis ang gobyerno at mamamayan subalit marami ang pumalag. Marami ang nagbigay ng kanya-kanyang opinyon at kung ano-ano ang mga ibinabatong batikos kay Recto.

Syempre, hindi lang ang gobyerno lalo na ang Bagong Alyansa ni Pangulong Bongbong Marcos ang pipiyok sapagkat sila ang aakalaing direktang makikinabang at may pakana ng panukalang panibagong buwis. Natural, maging ang asawa niyang si Vilma Santos, kandidato sa pagkagobernador ng Batangas, anak ni Santos na si Luis “Lucky” Manzano, katambal ng kanyang ina bilang Bise-Gobernador, at anak ni Recto at Santos na si Ryan Recto na tumatakbo bilang kongresista ay tiyak na apektado.

Sino ngayon ang tatangkilik pa sa kandidatura ng pamilya ni Recto kapag inabot ng bwisit sa kanya ang mga tao?

Kaya naman biglang kambyo si Recto at nilinaw na walang ipatutupad na bagong buwis ang pamahalaan kasabay nang pagsasabi na hindi kailangan ang bagong buwis dahil sa malakas at maganda ang fiscal posisyon ng bansa.

Ani Recto, maayos ang takbo ng pananalapi ng gobyerno kaya’t maipagkakaloob sa taumbayan ang pangangailangan ng mga ito.

Ang masaklap, pinalalabas ni Recto na ang pagkalat ng bagong buwis lalo na sa social media ay disinformation dahil ilang araw na lang ay halalan na.

Ano kamo? Susmaryosep ka InsuRECTO este Secretary Recto.

Malinaw na mismong IKAW ang nagbukas ng proposal. Mismong ikaw ang pinanggalingan ng balita. Ngayon sasabihin mo na “disinformation?”

Aba’y wala kang isang salita talaga. Kaya nga galit na galit sa iyo ang isa sa mga kandidato sa pagkagobernador ng Batangas dahil pinangakuan mo na susuportahan mo sa kanyang kandidatura subalit biglang pinatakbo mo ang iyong buong pamilya kaya kabangga niya ngayon ang “Star for All Season.”

Pero sabi naman ng isa pang kalaban ni Ate Vi, laos na ito. Posibleng malaos nang tuluyan ang datimng gobernadora ng Batangas dahil sa kawalan ng “isang salita” at pagpapakalat ng “fake news” ni Recto.

Ang mga Batangueño alam na kung sino ang kanilang iboboto sa pagkagobernador ng Batangas.

Siyempre, ayaw nila sa pamilya ng mga pahirap sa mamamayan at sa bayan.