Home OPINION PRO-DUTERTE NETIZENS: ‘NO VOTE FOR ABBY BINAY’

PRO-DUTERTE NETIZENS: ‘NO VOTE FOR ABBY BINAY’

DAHIL sa panonopla kay Vice President Sara Duterte, nagalit ang pro-Duterte supporters/netizens kay Makati Mayor Abby Binay at nagpahayag sa social media na huwag iboto bilang senador sa darating na halalan sa Mayo 12.

Parang kuyog ang ginawa ng netizens kay Binay matapos nitong sabihin sa isang press conference na mali ang pahayag ni Duterte kaugnay sa pamamahagi ng pamahalaan ng P20 kada kilong bigas sa Visayas region.

Sabi ng netizens, ipinagbabawal naman talaga ng Commission on Elections ang pamamahagi ng ayuda at ang bigas na ipinamimigay ay bahagi ng ayuda kahit pa binabayaran ito ng P20 kada kilo sapagkat ang namamahagi naman nito ay ang local government units.

Maraming upak o banat na natanggap sa social media si Binay na kandidatong senador sa ilalim ng Alyansa ni Pangulong Bongbong Marcos.

Sa post ng isang website, sunod-sunod o abot-abot ang comments ng netizens na nakabasa ng komento ni Binay sa pahayag ng Bise Presidente na ang pamamahagi ng murang bigas sa halagang P20 kada kilo ay pamumulitika.

Sabi ni Binay,” Hindi pamumulitika ang pagbebenta ng P20 kada kilong bigas at hindi aniya ganoon ang gobyerno. Kung ibibigay ngayon, ibigay na at hindi pwedeng sabihin na mag-aantay ng magandang timing.”

Teka, hindi ba magandang timing nga ang nalalapit na halalan? Kasi pabor sa kandidato ng gobyerno. Hindi naman bobo ang mga tao upang hindi maisip na taktika lang ang P20 bawat kilong bigas upang makuha ang loob ng mahihirap na botanteng Pilipino.

May comment na “Napakatrapo ng pamilyang Binay dahil sila-sila ay nagbabangayan sa posisyon. At ngayon naman Senado ang target.”

Sabi naman ng isa pang netizen “Ayan tayo eh Abby Bitter, hanap ka ng ibang dahilan upang ikaw ay iboto at huwag sawsawera sa isyu ang peg.”

Giit din ng isa pang taga-Taguig. “Sabi ko sa inyo, WAG NA WAG n’yo iboboto ‘yang si ABBY BITTER. Puro paghihiganti sa kaaway niya lang ang gagawin niyan sa Taguig City kapag nanalo ‘yan. ITAGA SA BATO.”

Samantala, sa pagsusuri ng 3RD_AI_, isang artificial intelligence company, malaki ang mababawas sa tyansa ni Abby Binay na makapasok sa Magic 12 bunga nang ginagawa niyang pagbatikos sa ibang political figure tulad ni Duterte.

Tumutugma rin ang sitwasyon sa pagdedeklara ng “no vote” kay Abby Binay sa pag-aanalisa ng 3RD-AI_ na malaki ang posibilidad na malaglag ang alkalde sa Magic 12 na nakapuwesto ika-11-14 ng winning circle.

Kapag ‘no vote’ ang umiral sa halalan, tiyak na aarangka ang mga ang mga nasa 12 hanggang 14 na pwesto.