MANILA, Philippines- Handa na para lagdaan ang kasunduang magbibigay-daan upang ang Philippine at Canadian armed forces ay makapasok at makapagsanay sa teritoryo ng isa’t isa, ayon kay Defense Secretary Gilbert Teodoro nitong Linggo.
“With Canada, it’s ready for signing already,” pahayag ni Teodoro.
Hindi nagbigay ang Defense chief ng eksaktong petsa kung kailan ito pipirmahan subalit sinabing malapit na ito.
Pinaiigting ng Pilipinas, sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang military agreements nito sa ibang bansa sa gitna ng umiiral na agresyon ng China sa South China Sea. RNT/SA