Home NATIONWIDE Kaswal na pag-uusap ng sibilyan, tauhan ng PCG hinihinalang bahagi ng espionage...

Kaswal na pag-uusap ng sibilyan, tauhan ng PCG hinihinalang bahagi ng espionage ops

138
0

MANILA, Philippines – Lumalabas na umano’y tila espionage operation ang kaswal na pag-uusap ng isang sibilyan sa isang tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ayon kay Rear Admiral Jay Tarriela, ang tagapagsalita ng PCG for the West Philippine Sea (WPS).

Binigyang-diin ni Tarriela ang pangangailangan na paigtingin ang security briefings para sa mga tauhan na humahawak ng sensitibong impormasyon.

Sinabi ng opisyal na isa sa mga Pilipinong kamakailan lamang naaresto dahil sa umano’y China-linked spy activities ay isang sibilyan na nakakuha ng impormasyon mula sa isang malapit na kaibigan na nagtatrabaho sa PCG.

Ang nasabing tauhan ng PCG ay hindi umano alam na ang sibilyan ay nangangalap na ng mahahalagang impormasyon upang maibenta ito sa isang banyagang handler.

Kabilang sa mga nakuhang impormasyon ang mga detalye ng resupply missions sa West Philippine Sea, tulad ng iskedyul, bilang, at uri ng mga barkong ipapadala.

Sinabi ni Tarriela na ang tauhan ng PCG, bagama’t hindi alam ang umano’y espiya, ay iniimbestigahan din at maaaring managot.

Samantala, itinanggi ng Chinese Embassy sa Maynila ang mga paratang ng espiya, sinasabing sumusunod ito sa prinsipyo ng “non-interference” sa panloob na usapin ng ibang bansa.

Tinawag nilang malisyoso ang mga akusasyon at bahagi ng taktika upang palakihin ang “China threat,” sirain ang imahe ng China, at pahinain ang relasyon ng China at Pilipinas. Jocelyn Tabangcur-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here