Home ENTERTAINMENT KathDen, umìiwas sa press!

KathDen, umìiwas sa press!

Manila, Philippines – Obyus na sa ‘di malamang dahilan ay pinangingilagan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang press na nag-aabang sa kanila sa backstage.

Nangyari ito nang tanggapin nila ang iginawad sa kanilang Box Office King at Box Office Queen alongside real-life couple Marian Rivera and

Dingdong Dantes bilang Phenomenal Box Office King and Queen para sa kanilang 2023 movie na Rewind.

Respectively, pinarangalan si Kathryn para sa A Very Good Girl, at si Alden nama’y para sa Five Breakups and A Romance.

Matiyagang naghintay ang press kina Kathryn at Alden sa backstage.

Pero bigo ang mga ito as Alden was rushing out of the venue, sabay sakay sa kanyang sasakyan.

As for Kathryn, wala siyang choice dahil nakorner na siya.

‘Yun nga lang, matipid na’y maikli pa ang kanyang sagot.

Pinasalamatan niya ang pamunuan ng Guillermo Memorial Awards na nagbigay ng nasabing parangal sa kanya.

Nang tanungin naman about their movie together ay kulang na lang itanggi ng aktres.

Aniya, wala pa raw offer.

Ito’y sa kabila ng advance publicity na kasado na ang sequel ng kanilang Hello Love Goodbye.

In fact, nag-ocular inspection na nga sa Canada where most if not all scenes in the movie will be shot.

Bago nilubayan ng press si Kathryn ay naihabol ang tanong sa kanya if there’s truth na nanliligaw si Alden.

Gulat na sagot ng aktres: “Ate, ano?” sabay tawa.

Kung ang dating sa press ay parang umiiwas sina Kathryn at Alden, sa anong dahilan naman?

What’s stopping them from being seen together, gayong pareho naman silang single as well as they look good together? Ronnie Carrasco III