Home ENTERTAINMENT Kathryn at Donny, pinalagan as PGT judges!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Kathryn at Donny, pinalagan as PGT judges!February 21, 2025 16:32 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok Manila, Philippines – “Power judges.”Ito ngayon ang katawagan sa bagong lineup ng mga hurado sa nagbabalik na Pilipinas Got Talent.Matatandaang ang mga huling nagsilbing judges nito’y sina Vice Ganda, Angel Losin, Robin Padilla at Mr. Freddie Garcia.Of the four, si FMG lang ang na-retain sa new season nito.Ang dapat sana’y gig ni Vice Ganda muli ay hinindian niya in favor of the returning Gandang Gabi Vice.In the absence of the original judges, ang uupo ay sina Eugene Domingo, Donny Pangilinan at Kathryn Bernardo.‘Yun nga lang, “malagihay” ang pagtanggap ng mga viewers kina Kathryn at Donny.“Unimaginable” daw.Bale ba, parang tetestingin ang chemistry–kung meron man–ang KathDon.Meaning, out sa eksena si Belle Mariano.At posible ring “ipapahinga” na ang KathDen o ang tambalang Kathryn at Alden Richards.Nangangahulugan ding pang-promo lang ng movie nila na Hello Love Goodbye ang kanilang tandem na tuluyan nang nag-goodbye literally!Anyway, magsilbi sanang hamon saKathDon ang PGT to prove their critics wrong.Baka kasi naninibago lang ang mga viewers.Pero unless tested, hindi natin malalaman kung may hatak sila to entice the viewers.Time to shine, KathDon! Ronnie Carrasco III