Home ENTERTAINMENT Kathryn at Mayor Mark, spotted sa palengke!

Kathryn at Mayor Mark, spotted sa palengke!

88
0

Manila, Philippines – Sa bilihan naman ng butterfly squid sa palengke namataan sina Kathryn Bernardo at Lucena City Mayor Mark Alcala nitong April 26.

Nakunan sila ng larawan flashing their sweet smiles sa mismong harapan ng puwesto ng mga pusit.

Behind them are tables and chairs na nakalaan para sa mga mamimili na gustong kumain sa labas o al fresco.

Hindi malinaw kung saan ang exact spot ng palengkeng ‘yon.

Isa lang ang tiyak–gradually ay nagiging open na ang aktres at ang alkalde sa kanilang relasyon.

Kung matatandaan, nito lang Holy Week ay nagbakasyon sina Kathryn at Mark sa Thailand at Bhutan.

Sighted sila while going down the escalator at EmSphere Mall in Bangkok.

Batay ito sa photos na nag-viral.

April 14 nang mag-post ang Kapamilya actress ng kanyang hiking photos sa Bhutan nang mag-isa.

Up to this time, neither of them has confirmed tungkol sa kanilang relasyon.

Posible rin kasing tumityempo lang ang dalawa bago manggaling ang big reveal mula sa kanila mismo.

Malayung-malayo ito sa kaso ng dating nobyo ni Kathryn na si Daniel Padilla na sinasabing boyfriend ni Kaila Estrada. Ronnie Carrasco IiI

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here